Janet Lim-Napoles, handang magsauli ng dalawang bilyong pisong kinita sa Pork Barrel Scam.

Handang isauli sa gobyerno ni Janet Lim Napoles ang dalawang bilyong pisong kinita nito mula kontrobersyal na Pork Barrel Scam.

Ito ang sinabi ng abogado ni Napoles na si Atty. Stephen David bagama’t hindi pa aniya ito magagawa ni Napoles sa ngayon.

Ayon kay David, naka-freeze ang lahat ng mga ari-arian ni Napoles kung kaya’t wala rin itong maibabalik sa pamahalaan.

Sinabi ni David, na base sa kanilang kalkulasyon, nasa dalawang bilyong piso ang kinita ng kanyang kliyente mula sa pork barrel scam.

Speak Your Mind

*