Janet Lim-Napoles, hindi nakiusap na iatras ang isinampang kaso sa kanya na Serious Illegal Detention

Hindi si Janet Lim-Napoles ang nagsabing nakiusap siya kay Benhur Luy na iatras nito ang isinampang Serious Illegal Detention laban sa kanya.

Ito ang tiniyak ng abogado ni Napoles na si Atty. Bruce Rivera sa DZAR sonshine radio.

Ayon kay Rivera, ikinagulat ng mga abogado at ng pamilya Napoles ang lumabas sa balita na humirit si Napoles kay Luy na iatras ang isinampang kaso laban sa kanya.

Ani Rivera, pagpapaliwanagin nila si Atty. Stephen David, sa ginawa niyang hakbang nang hilingin nito sa kampo ni Luy na bawiin ang kaso laban kay Napoles!

Una nang sinabi ng abogado ni Benhur Luy na si Atty. Raji Mendoza, na nabanggit sa isinagawang ‘confidential meeting’ sa pagitan ng kampo ni Napoles at Luy na humirit si Atty. Stephen David na iatras ang isinampang serious illegal detention case laban kay Napoles.

Speak Your Mind

*