Janet Lim-Napoles, posibleng gawing state witness

Malaki ang posibilidad na gawing state witness si Janet Lim-Napoles.

Ito ang paniniwala ni 1BAP Partylist Representative Sylvestre Bebot Bello III kaugnay ng hiling ng itinuturong utak ng pork barrel scam na maging state witness sa kinasasangkutan niyang kaso!

Sinabi ni Bello, na maari itong mangyari kung merong matibay na ebidensya si Napoles laban sa mga nasasangkot sa pork barrel scam.

Ani Bello, malaki ang posibilidad na pabigyan ng tanggapan ng Ombudsman ang hirit na ito ng kampo ni Napoles!

Iginiit rin ni Bello na hindi ito malayong mangyari dahil kahit aniya si Ruby Tuason, na sangkot rin sa PDAF scam ay pinagbigyan ng Ombudsman na maging state witness.

Speak Your Mind

*