Jason Webb, uupo bilang coaching Staff ng San Mig Coffee

Mula sa pag-upo bilang television panel ng PBA ay uupo ngayon si Jason Webb bilang miyembro ng coaching staff ni Head Coach Tim Cone para sa San Mig Coffee.

Sisimulan ni Webb, ang 1997 PBA draft third pick sa likod nina Andy Seigle at Nic Belasco at naglaro ng anim na seasons, ang kanyang trabaho sa semifinals series ng 2014 PBA Governors’ Cup.

Makakatapat ng Mixers ang Talk ‘n Text Tropang tex­Ters sa best-of-five semis showdown.

Si Webb ay naging miyembro ng Philippine team na nag-uwi ng gold medal noong 1985 Sea Games sa Chiang Mai, Thailand.

Sa kanyang 274 laro sa PBA mula 1997 hanggang 2003 ay nagtala si Webb, miyembro ng Parañaque City Board Council, ng mga averages na 3.2 points at 2.4 assists.

Speak Your Mind

*