Jobstart Philippines Program, ilulunsad ng DOLE bilang tugon sa problema ng unemployment ng bansa

Nakatakdang ilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang programang tututok sa pagresolba sa problema ng unemployment sa sektor ng kabataan.

Sa pahayag ni DOLE Secretary Rosalinda Baldoz, malaking tulong ang Jobstart Philippines Program na ilulunsad ng kagawaran para tumaas ang employability ng mga kabataan.

Aniya, sa ilalim ng Jobstart, ang mga kabataang may edad labingwalo hanggang dalawampu’t apat na taong gulang na walang trabaho, o wala pang isang taon ang work experience, hindi dumaan sa anumang educational or training program, at high school graduate lamang ay

Bibigyan ng access sa mga pagsasanay na karaniwang nire-require ng mga employers.

Idinagdag din ni Baldoz na ang mga kabataang maging benepisyaryo ng Jobstart ay makatatanggap din ng ‘full-cycle employment facilitation services gaya ng career guidance and coaching, life skills training, technical skills training at company-based internships.

Speak Your Mind

*