Joint Administrative Order na ipatutupad ng LTFRB, pinalagan ng transport groups

Dinepensahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang ipatutupad nitong Joint Administrative Order o JAO kahit pa pinapalagan ito ng transport groups.

Sinabi ni LTFRB Public Information Officer at Spokesperson Atty. Mary Ann Salada na ang Jao ay epektibong paraan para mailayo sa paggawa ng anumang paglabag ang mga operator ng mga pampublikong bus at jeep.

Kasunod nito ay nilinaw ni Atty. Salada ang magiging proseso ng jao sa pagpapanagot sa mga operator ng kolorum na bus at jeep.

Una ng iginiit ni Pasang Masda President Obet Martin na hindi dumaan sa konsultasyon ang ipatutupad na joint administrative order ng LTFRB at Land Transporation Office o LTO.

Speak Your Mind

*