Joseph Marco, magbibida na sa Koreanovela adaptation na “Pure Love”

Unti-unti na umanong natutupad ang mga pangarap ni Joseph Marco, mula sa pagiging supporting rule sa mga teleserye, ngayon ay magbibida na siya makalipas ang halos apat na taong paghihintay.

Nagtuluy-tuloy nga ang suwerte ni Marco matapos mabigyan ng pagkakataon na magbida sa bagong koreanovela adaptation ng Kapamilya Network na “Pure Love” kapartner si Alex Gonzaga.

Nakapagsimula na raw sila ng taping pero natigil daw ito dahil kinailangan pumasok ni Alex Gonzaga sa bahay ni kuya sa Pinoy Big Brother: All in.

Bukod sa tv ay pinaghahandaan na rin ni Marco ang pagrampa muli sa bench fashion show ngayong taon kaya ngayon palang ay inihahanda na niya ang kanyang katawan.

Speak Your Mind

*