Agew na Dagupan 2014, idineklarang Special Non-Working Day

Idineklara ng Palasyo ng Malakanyang na Special non-working Day ang araw ng Biyernes – June 20 kasabay sa ika-67th Charter Day Anniversary ng Dagupan City o mas kilalang o “Agew na Dagupan”.

Ito ay sa besa ng Procalamation no. 790 na pinirmahan ni Executive Secretary Paquito Ochoa sa ilalim ng otorida ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Samantala, bilang pag-obserba sa Charter Anniversary ng Dagupan mahigit limang daang estudyante mula sa mga pampubliko at prebadong paaralan ang mangangasiwa sa Lungsod ng Dagupan sa loob ng isang linggo.

Ayon kay Mayor Belen Fernandez, ang nasabing mga estudyante ay sumailalim sa  isang Leadership Training para maihanda sila sa trabahong kanilang gagawin sa loob ng isang linggong panunungkulan at kabilang na ang pagbibigay solusyon sa mga problema ng syudad.

Speak Your Mind

*