Kalusugan ng mga estudyante, mahalagang mapangalagaan laban sa init ng panahon

Mahalagang mapangalagaan ang kalusugan ng mga estudyante na nakakaranas ng init ng panahon.

Ito ang paalala ng City Health Office ng Dagupan kaugnay sa nararanasang init ng panahon ngayon kung saan mayroon paring ilang mga estudyante ang nagkaklase sa gym dahil sa kawalan ng mga silid aralan.

Ayon kay CHO Officer Dr. Leonard Carbonell, pangkaraniwan na ang sitwasyon ng mga estudyante na siksikan sa classroom, at dahil sa kawalan ng sapat ng bintilasyon, subrang init ng nararamdaman ng mga estudyante.

Dahil dito, sinabi ni Dr. Carbonell na importante na magbaon at uminom ng tubig ang mga estudyante upang maiwasan ang pagkahilo, dehydration at heatstroke.

Dapat din umanong panatilihin ang personal hygiene ng mga bata upang manatiling presko ang kanilang pakiramdam.

Speak Your Mind

*