Kampanya kontra droga ng PDEA, suportado ng SP Pangasinan

Gagawin ang lahat ng makakaya ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan para tulungang mapalakas ang Anti-Drug Abuse Council sa pamamagitan ng pagpasa ng isang Provincial Resolution.

Ayon kay Board Member Alfonso Bince, Jr., nais ng Sanggunian na maging updated ito sa kabuuang sitwasyon ng drug-related crimes sa probinsya.

Kaugnay nito, isang Manifesto of Commitment ang pinirmahan ng mga provincial scholars para ipakita ang kanilang partisipasyon laban sa pinaigting na kampanya ng ilegal na droga.

Ayon pa kay PDEA Regional Director Adrian Alvarino, ang Pangasinan ay nangunguna sa Region 1 sa may pinakamaraming nakumpiska kung saan nakapagtala ito ng 108% increase sa unang quarter ngayong taon kumpara sa nakalipas na taon.

Speak Your Mind

*