Kampanya ng PHO laban sa dengue, ipinaabot narin sa mga paaralan at estudyante

Muling nanawagan ang Provincial Health Office o PHO Pangasinan sa mga paaralaan na panatilihing malinis ang kapaligiran upang hindi pamugaran ng lamok ang lugar na nagdadala ng sakit ng dengue.

Ito’y kasabay narin sa pagpasok ng panahon ng tag-ulan kung saan mas mabilis kumalat ang naturang sakit.

Bukod dito, pinayuhan din ni PHO Officer Dr. Anna De Guzman ang pamunuan ng paaralan na huwag hayaan na magsuot ang kanilang mga estudyante ng mga maiiksing damit gaya ng short at sleveless.

Idinagdag pa ni De Guzman na dapat ding ugaliin ng mga mag-aaral edad lima hanggang labing siyam na taong gulang ang pagsusuot ng mahabang damit upang maiwasang makagat ng lamok na may dala ng dengue virus.

Speak Your Mind

*