Kampo ni Janeth-Lim-Napoles, ikinagulat ang pakikipagpulong sa kampo ni Benhur Luy

Ikinagulat ng pamilya ni Janet Lim-Napoles ang naganap na lihim na pagpupulong ng kanilang kampo at ng kay Benhur Luy sa National Bureau of Investigation o NBI.

Ayon kay Atty. Bruce Rivera, abogado ng tinaguriang Pork Barrel Scam Queen, nabigla ang pamilya Napoles sa nangyaring pagpupulong sa pagitan nina Atty. Stephen Davi – isa samga abogado ni Napoles at ni Atty. Raji Mendoza na abogado ni Benhur Luy.

Aminado si Rivera na dati nang nagkakaroon ng pagpupulong ang dalawang kampo ngunit nitong huli ay wala silang kaalam-alam na nagkaroon muli ng pagpupulong.

Matatandaang nagpahayag ang kampo ni Napoles na makikipagtulungan sila sa imbestigasyon sa Pork Barrel Fund Scam.

Pero agad rin nilang itinanggi na may niluluto silang kasunduan sa kaso kaugnay pa rin ng nagaganap na ‘confidential meetings’ sa pagitan ng kanilang partido at ni Benhur Luy.

Speak Your Mind

*