Kasalanan ng Pamahalaan kung bakit lilipat ng ibang Chess Federation si Grand Master Wesley So—Colmenares

Ito ang iginiit ni Bayan Muna Partylist Representative Neri Colmenares matapos na humiling ang tinaguriang Woodpusher of the Philippines na payagan siyang lumipat sa U-S Chess Federation.

Ayon kay Colmenares, posible na ang kawalan ng suporta ng Pamahalaan ang dahilan kung bakit napilitang magdesisyon si so na talikuran ang NCFP at lumipat sa ibang Organisasyon.

Iginiit ni Colmenares na dapat na suportahan ng Pilipinas ang mga Atleta nito dahil hindi lamang basta karangalan ang nabibigay nito sa Bansa kundi iba’t ibang Orportunidad din para sa iba pang Pilipinong Atleta.

Speak Your Mind

*