Kaso ng acute gastroenteritis sa Pangasinan, pinangangambahang tumaas

Pinangangambahan na ngayon ang pagtaas ng kaso ng acute gastroenteritis sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa nararanasang pag-uulan at pagbaha.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Anna de Guzman, asahan na ang pagdami ng mga tinamaan ng acute gastroenteritis at iba pang sakit dahil sa panahon ng tag-ulan, madaling magkaroon ng kontaminasyon ang mga tubig inumin.

Bunsod nito, hinihikayat ni de Guzman ang lahat ng mga Barangay Official sa buong lalawigan na magsagawa ng inspeksyon sa mga water resources upang matiyak na malinis ang mga pinakukulang tubig na mga residente.

Pinayuhan din ni de Guzman ang mga residente na mas mabuting pakulaan muna ng inuming tubig na nanggagaling sa poso bago inumin upang masigurong ligtas at hindi makakakuha ng anumang sakit.

Speak Your Mind

*