Kaso ng dengue sa Pangasinan, bumaba ng 35% ngayong taon

Bumaba sa tatlumpot limang porsyento (35%) ang naitalang kaso ng dengue sa lalawigan ng Pangasinan ngayong taon.

Batay sa tala ng Provincial Health Office o PHO Pangasinan, mula sa animnaraang kaso ng dengue noong nakaraang taon mula ng Enero hanggang Mayo, ngayon ay nasa tatlong daan siyamnaput lima na lamang ang bilang ng kaso ng dengue sa kaparehas na taon.

Inihayag pa ni PHO Officer Dr. Anna de Guzman na wala paring naitatala kaso ng namatay ngayong taon dahil sa sakit ng dengue kumpara noong nakaraang taon na nakapagtala ng dalawang nasawi dahil sa naturang sakit.

Naniniwala si de Guzman na ang kanilang matagumpay na kampanya laban sa sakit na dengue, katuwang ang mga lokal na pamahalaan ang dahilan kung kayat bumaba na ang kaso ng dengue sa lalawigan.

Matatandaan na sampung bayan sa Pangasinan ang kabilang na dengue watchlist ng PHO kabilang na ang bayan ng Asingan, Puzzorubio, Tayug, Mapandan, Infanta, Sison, San Manuel, San Nicolas, Aguilar, at bayan ng Malasiqui.

Speak Your Mind

*