Kasong graft na kinakaharap ni Ex-Mayor Perez, pamumulitika lang umano

Pamumulitika umano ang dahilan sa kasong graft na kinakaharap ngayon ni dating San Manuel Mayor Salvador Perez.

Ngunit tiwala si Perez na babaliktarin ng Supreme Court (SC) ang desisyon ng Sandiganbayan na siya ay guilty sa kasong graft dahil sa umanoy overprice na Computer Set na kanyang binili noong siya pa ang alkalde sa bayan noong taong 1998.

Ayon pa kay Perez, hinihintay na lamang niya ang magiging desisyon ng korte sa inihain nitong Motion for Reconsideration dahil kinukwestyon nila ngayon ang legalidad sa ipinalabas na desisyon ng Sandiganbayan.

Hindi naman aniya napatunayan na nagkaroon ng overpricing sa pagbili sa isang computer set na nabili nila sa halagang P120,000.

Mismong ang Commission on Audit (COA) na aniya ang nagsabi noon na walang nangyaring overpricing.

Speak Your Mind

*