Kawhi Leonard, kinilalang Most Valuable Player ng 2014 NBA Finals

Nasungkit ng pinaka-batang San Antonio Spurs star na si Kawhi Leonard ang titulong most valuable player ng katatapos lamang na 2014 NBA finals!

Ang pagkilalang ito ay kasabay ng pag-angkin ng Spurs sa titulong 2014 NBA Finals Champions nang paluhurin nito ang Miami Heat sa game 5 ng Finals.

Hindi pa makapaniwala si Leonard sa pagkilalang natanggap niya!

Nag-ambag ng dalawampu’t dalawang puntos at sampung rebounds ang MVP na si Leonard na nagpalawak ng husto sa kalamangan ng San Antonio Spurs kontra Miami Heat!

At hindi lang mga kakampi niya ang bumilib sa kanyang performance dahil pati ang big three ng Miami Heat na sina Lebron James, Chris Bosh at Dwayne Wade – saludo sa ipinakitang husay ng bente dos anyos na si Leonard.

Speak Your Mind

*