Kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program, nakatakda umanong ideklarang Iligal ng Korte Suprema

Nakatakda umanong ideklarang Iligal ng Korte Suprema ang kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program.

Ayon sa source ng pahayagang The Manila Times, mayorya umano ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang magpapasiyang labag sa konstitusyon ang DAP.

Ang DAP na sinasabing sariling Pork Barrel Fund ni Pangulong Aquino ay ipinamahagi noong Impeachment Trial ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Idinagdag pa ng source na nagsagawa ng soft voting ang mga Mahistrado ng Mataas na Hukuman hinggil sa DAP noong martes.

Kung saan lumabas umano sa isinagawang soft voting na siyam mula sa 13 mahistrado ang nagpahayag ng kanilang intensiyong ideklarang iligal ang DAP.

Speak Your Mind

*