Kris Aquino, nataranta sa ‘marriage proposal’ ni James Yap kay Michela

Ikina-taranta daw ni Kris Aquino nang makarating sa kanya ang balitang nag-propose na raw si James Yap sa girlfriend nitong si Michela Cazzola at kinober ng Yes! Magazine.

Agad umanong kinontak ni Kris, ang managing editor ng Yes! Magazine na si Anna Pingol pero idinenay na marriage proposal ni James sa girlfriend nito ang kinunan nila.

May lumabas namang picture sina James at Michela mula sa pinost ng manager nito na si Dondon Monteverde sa kanyang Instagram account na ang caption ay shooting ng TV Commercial.

Pero sa pahayag ni Kris, kung may marriage proposal mang mangyayari, hindi naman siya hadlang sa muling pagpapakasal ni James, tapos na naman daw ang hate days nila at gusto niya si Michela dahil mahal na mahal daw nito ang anak nilang si Bimby.

Speak Your Mind

*