Krisis sa kuryente na nararanasan ngayon sa Albay, nagpapasaklolo na

Nagpapasaklolo na si Albay Governor Joey Salceda, sa mga National Power Industry Players para maiwasan ang krisis sa kuryente sa lalawigan.

Ito’y matapos magka-aberya ang 20-MVA transformer sa Bitano Substation ng Albay Power Energy Corporation (APEC).

Ang APEC ay ang dating Albay Electric Cooperative (ALECO) na kinuha ng San Miguel Power Corporation para mawakasan na ang pagkakabaon sa utang, mis-management at pagkalugi nito.

Pansamantalang nagtalaga ng rotational brownout ang APEC dahil na rin sa kakapusan ng supply ng kuryente.

Speak Your Mind

*