Kumpirmasyon ni DSWD Sec. Dinky Soliman, haharangin ni Sen. Santiago

Desidido si Senador Miriam Defensor-Santiago na harangin ang kumpirmasyon ni Social Welfare and Development Secretary Corazon “Dinky” Soliman.

Si Soliman ay isasalang sa makapangyarihang Commission on Appointments bukas.

Sinabi ni Santiago na igigiit niya ang Section 20 ng C-A rules para suspindihin ang nominasyon ni Soliman.

Kapag ini-invoke na ang Section 20, wala ng puwedeng makipag-debate tungkol sa kumpirmasyon.

Ayon pa kay Santiago, sa simula pa lamang ay kontra na siya sa nominasyon ni Soliman matapos nitong iwan ang kaniyang among si dating Pangulong Gloria Arroyo.

Speak Your Mind

*