Labintatlong miyembro ng militanteng grupo sa China, sabay-sabay na binitay

Labintatlong miyembro ng isang militanteng grupo sa bansang China ang sabay-sabay na binitay matapos mahatulan ng guilty sa kasong terorismo sa magkakahiwalay na pag-atake.

Ang pinaniniwalang kasapi ng Uyghurs Minority ay inaakusahan ng pag-atake sa mga pampublikong lugar sa Xinjiang Province, Xinjiang Uygur Autonomous Region hilagang-kanluran ng China.

Nabatid na inaprubahan ng Supreme People’s Court ang parusang kamatayan laban sa mga akusado na nagplano ng pag-atake at pumatay sa 24 na pulis at ikinasugat ng 23 iba pa sa Lukqun Township sa Shanshan County ng Turpan prefecture noong nakalipas na taon.

Magugunitang 29 sibilyan din ang nasawi habang 130 ang sugatan sa nangyaring knife attack sa kunming noong na Marso na nasundan noong Abril kung saan tatlo ang patay sa pag-atake sa train station sa Urumqi at nasundan pa ito noong mayo sa Urumqi market kung saan 39-katao ang nasawi.

Speak Your Mind

*