Lawak ng natamnan ng mga bakawan sa Pangasinan, umabot na mahigit isandaang ektarya

Umaabot na sa limampu hanggang isandaang ektarya ang natatamnan ng Mangrove o Bakawan sa Lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Community Environment and Natural Resources Office (CENRO), Regional Officer ng Pangasinan Raymundo Gayo, madaling tumubo at mabuhay ang Mangrove na karaniwang itinatanim sa mga dalampasigan, tabi o gilid ng ilog at pala-isdaan.

Ani Gayo, ang mga naunang itinanim na Bakawan noong 2011 ay mabilis na lumaki at ngayo’y napapakinabangan na ng mga lamang dagat tulad ng isda, crabs at mga shell.

Idinagdag pa ng CENRO officer na patuloy na umuusdong ang pagtatanim ng mga bakawan sa lalawigan sa kabila ng naranasang tag-init nitong nakaraang buwan na maganda naman aniya para sa kanilang National Green Program.

Speak Your Mind

*