Libreng seminar sa customer service, inaalok ngayong ng DTI-Pangasinan para sa mga negosyante

Nag-aalok ngayon ang Department of Trade and Industry (DTI) ng libreng seminar para sa mga may-ari at tagapangasiwa ng negosyo sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Peter Mangabat, ang Provincial Director ng DTI Pangasinan, ito ay bahagi ng Consumer Welfare Program ng kagawaran, kung saan isa sa mga nakapaloob dito ang mga Remedy Provisions ng Republic Act 7394 o ang Consumer Act of the Philippines.

Hinihikayat ni Mangabat ang business sector na huwag palampasin ang nasabing consumer education and advocacy seminar ng ahensya, at layuning matulungan na mapalakas ang kanilang customer services at ma-facilitate ng maayos ang mga hindi inaasahang reklamo ng mga kliyente.

Palaging bukas ang tanggapan ng DTI para tumanggap na anumang katanungan kaugnay sa inaalok na libreng seminar at matatagpuan ang opisina nito sa 2nd floor ng Star Building sa Arellano Street Dagupan City.

Speak Your Mind

*