Limang porsiyentong dagdag sa pensyon ng mga miyembro ng SSS, ikinadismaya

Sa halip na ikatuwa ay ikinadismaya pa ng Bayan Muna ang limang porsiyentong dagdag sa pensyon ng mga miyembro ng social security system (SSS).

Ayon kay Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, sa mahal ng mga produkto at serbisyo at napakalaking gastusin, napakaliit ng itinaas ng SSS sa pensiyon.

Maging ang mga opisyal ng SSS aniya na dumalo sa pagdinig ng kamara ang sumang-ayon na masyadong maliit ang pensyon na binibigay sa kanilang mga miyembro.

Dahil dito, isinusulong ni Colmenares ang isang panukalang batas na nagtatakda sa 5,000-piso ng Ninimum Monthly Pension ng mga miyembro ng SSS.

Ang pinakamababang pensyon ngayon ng mga miyembro ng SSS ay nasa 1,200-pesos lamang kada buwan.

Speak Your Mind

*