LPG Import Terminal sa Batangas, dapat i-take over muna ng DOE

Muling hinikayat ni LPGMA Representative Arnel Ty ang Department of Energy o DOE na i-take over muna nito ang LPG Import Terminal ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation sa Batangas.

Ito ay matapos isara ng kumpanya ang kanilang Refregirated LPG Depot noong Setyembre ng 2013.

Matatandaan na noong 1983 binuksan ng Pilipinas Shell ang nasabing terminal na siyang nagsu-suplay sa may animnapu’tlimang porsyento ng pangangailangan ng LPG ng Luzon.

Nais ni Ty na pansamantala munang paganahin ang isinarang terminal para mabigyan ng panahon ang iba pang kumpanya ng LPG na makapagpatayo ng bagong terminal na papalit sa isinarang LPG Import Terminal sa Batangas.

Speak Your Mind

*