LTO Region 1, mas pinaigting ang kampanya laban sa mga kolorum na sasakyan

Mas pinapaigting ngayon ng Land Transportation Office (LTO) Region 1 ang kampanya kontra kolorum sa kanilang isinagawang biglaang inspeksyon sa lungsod ng Dagupan.

Layunin umano nito na matiyak ang kaligtasan ng publiko lalo na ang mga estudyante balik eskuwela na at ang mga pampublikong sasakyan ang kanilang pangunahing transportasyon.

Babala ni LTO Regional Director Atty. Teofilo Guadiz sa mga mananakay, dapat sa mga lihitimong pampublikong sasakyan na rehistrado sa LTFRB sumakay at hindi sa mga private vihicle o mga kolorum dahil walang anumang insurance na makukuha sa mga kolorum na sasakyan oras na maaksidente ito.

Samantala, babala rin ng lto sa mga kolorum na sasakyan na ipatutupad na ang mas mabigat ng multa sa mga lalabag, 1 milyong piso sa mga bus, 250,000 sa mga trucks, 200,000 sa mga vans, 50,000 sa mga jeepney, at 6,000 sa mga motorsiklo.

Speak Your Mind

*