LTO Region 1, nakapagtala na ng dalawang kaso ng paglabag sa JOA, nahuling Bus naka-impound na

Nakapagtala na ng dalawang kaso ng paglabag sa ipinatupad na Joint Administrative Order o JAO ng Land Transportation Office o LTO at Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB dito sa rehiyong uno.

Nabatid na nitong nakaraang biyernes sinimulang ipatupad ng LTO Region 1 ang JAO kung saan isang bus na ang naka-impound sa LTO Rosales at LTO La Union.

Sa ilalim ng JAO, epektibo ang isang milyong multa sa mga kolorum na bus habang sa ibang sasakyan gaya ng truck ay P200,000, P50,000 sa Jeepney, P200,000 sa Van, P120,000 sa Sedans at P6,000 sa mga Motorsiklo.

Sinabi naman ni Kathleen Salayog ang Operation Division Chief ng LTO Region na hindi sila tumitigil sa pagpapaalala sa mga bus owner at operator na tumupad na sa batas trapiko upang maiwasan ang mas malaking kakaharaping problema.

Speak Your Mind

*