Lumalalang insidente ng mga pagpaslang sa Bansa, dapat ng aksyunan

Dapat nang aksyunan ng pamahalaan ang lumalalang insidente ng mga pagpaslang sa bansa.

Ito ang panawagan ni Buhay Partylist Representative Jose ‘Lito’ Atienza kaugna ng laganap na krimen partikular na ang sunud-sunod na pamamaslang sa buong bansa.

Kaugnay nito, nanawagan si Atienza sa Department of Interior and Local Government at Philippine National Police na tugunan ang lumalalang problema sa kriminalidad dahil malaki ang epekto nito sa ekonomiya ng bansa.

Nakikita namang solusyon ni Atienza sa lumalalang kaso ng pamamaslang – hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong Bansa na muling ibalik ang pagsasa-lokal ng mga kapulisan.

Ani Atienza, ito ang paraan para mas maging responsable ang mga kapulisan na itaguyod ang kapayapaan at kaayusan sa mga lugar na kanilang pinagsisilbihan.

Speak Your Mind

*