Lumalalang problema sa pabahay sa bansa, kinumpirma

Kinumpirma ng House Committee on Housing and Urban Development ang lumalalang problema sa pabahay sa bansa.

Ayon kay Negros Occidental Rep. Alfredo Benitez, Chairman ng komite, umaabot na ngayon sa limang milyon kada taon ang backlog sa pabahay.

Nauna nang napaulat sa Website na “List25.com” na nangingibabaw ang Metro Manila sa listahan ng mga siyudad sa iba’t ibang panig ng mundo na may pinakamaraming ‘homeless’ o walang matirahan.

Batay pa sa naturang ulat, umaabot sa halos 23 milyong katao kabilang ang 1.2 milyong kabataan ang naninirahan sa mahihirap na lugar sa Metro Manila.

Gayunpaman, sinabi ni Benitez na kinakailangang himaying maigi ang pakahulugan sa sinasabing backlog.

Speak Your Mind

*