Mababang Enrollees sa Kinder at Elementarya, naitala ng DepEd Dagupan

Nakapagtala ng mas mababang bilang ng mga Enrollees mula Kinder at Elementarya ang Department of Education (DepEd) Dagupan ngayong taon.

Batay sa tala ng DepEd Dagupan, bumaba ng mahigit isang daan ang bilang ng mga estudyante pumasok sa kinder ngayong taon mula sa tala noong nakaraang taon, habang dalawampu’t pitong estudyante naman ang ibinaba sa Elementarya.

Ayon kay Deped Dagupan School Division Superintendent Dra. Gloria Torres, isa sa dahilan ng mababang bilang ng Enrollees ngayong taon ang ugali ng mga magulang na ipinagpapawalang bahala ang Edukasyon sa kanilang mga anak.

Apela naman ni Torres sa mga magulang na huwag na patagalin ang pagpapa-enroll sa kanilang mga anak dahil tuloy-tuloy na ang klase ng mga Estudyante.

Hindi naman nawawalan ng pagasa ang Deped Dagupan na tataas pa ang bilang ng mga Estudyante hahabol sa pagpapa-enroll ngayong taon.

Speak Your Mind

*