Mabagal na pagpasa sa FOI Bill, dinepensahan ng kamara

Dinepensahan ng kamara ang mabagal na pagpapasa sa Freedom of Information (FOI) Bill.

Ito, ayon sa mga Kongresista, ay dahil sa hanggang ngayon ay patuloy pa ring nakasalang sa technical working group ng kamara ang nasabing panukala.

Ayon kay Misamis Occidental Representative Jorge Almonte, Chairman ng House Committee on Public Information, kailangan ang masusing pag-aaral sa FOI  Bill dahil maraming magkaka-hiwalay na panukalang batas ang nakapaloob dito.

Umaasa naman si Almonte na maipapasa na ang Freedom of Information Bill bago pa matapos ang 16th Congress.

Speak Your Mind

*