Magbibigay ng magandang imahe sa publiko, target ng Oplan Hilamos ng PNP

Tiyak na magbibigay ng magandang impresyon sa publiko ang pagsasaayos ng ilang himpilan ng pulisya sa lalawigan ng Pangasinan bilang bahagi ng Oplan Hilamos ng PNP.

Ayon kay Police Provincial Officer-in-Charge PS.Supt. Raymond Sterling Blanco, ang naturang proyekto ay inisyatibo ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) upang bigyang ng magandang imahe ang pulisya.

Ani Blanco, naglaan ng naturang ahensya ng dalawandaan hanggang tatlongdaang libong piso sa kada police station para magagamit sa pagsasayos ng mga pasilidad.

Layunin umano ng Oplan Hilamos na maging maayos at malinis ang opisina ng pulisya upang magbigay ito ng magandang imahe sa publiko at makapag-trabaho nang maayos ang mga pulis.

Speak Your Mind

*