Maguindanao Idineklarang State of Calamity bunsod ng malawakang pagbaha

Idineklara na ng Provincial Government ng Maguindanao ang State of Calamity sa lalawigan dulot ng malawakang pagbaha.

Ito’y kahit na unti-unti nang humuhupa ang baha sa 13 Bayan ng Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Board Member Jojo Sinsuat Limbona, patuloy na minamatyagan ang sitwasyon ng mga residenteng apektado ng kalamidad.

Nagpaabot na rin aniya ng tulong ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) humanitarian emergency action and response team sa mga pamilyang naapektuhan ng baha.

Tinungo ng grupo ang mga barangay ng Mother at Northern Kabuntalan na kabilang sa matinding nakakaranas ng baha para mamahagi ng relief goods na naglalaman ng bigas, noodles at sardinas.

Speak Your Mind

*