Mahigit apat na libong estudyante, dumagsa sa unang araw ng klase sa Mangaldan National High School

Umabot sa mahigit apat na libot walong daang mag-aaral ang dumagsa sa unang araw ng pagbubukas ng klase kahapon sa itinuturing na pinakamalaking paaralan sa Pangasinan ang Mangaldan National High School.

Ngunit ayon kay Rosalino Agpalo Jr, ang principal ng naturang paaralan, inaasahan nilang aabot pa ito sa mahigit na anim na libong mag-aaral sa susunod na mga araw.

Ganunpaman, tiniyak naman ni Agpalo na hindi magiging problema ang kakulangan ng silid aralan dahil sa ipinapatayong walong silid aralan na inaasahang matatapos ang konstraksyon sa buwan ng Hulyo.

Tiniyak din ng principal na Mangaldan National High School na sapat ang kinilang mga guro, libro at silya sa bawat silid na magagamit ng mga mag-aaral.

Speak Your Mind

*