Mahigit isang libong kabahayan, nanganganib sa wildfire sa California

Aabot sa isang libong kabahayan sa California sa Amerika ang nanganganib matapos ang muling pagsiklab ng wildfire sa nasabing lugar.

Bagama’t walang naitalang sugatan, hirap ang mga bombero na apulahin ang lumalaking apoy na ngayo’y kumakalat na sa tatlong square miles ng kagubatan malapit sa tanyag na Sequoia National Park.

Nilamon at tumupok narin ang tatlong gusali na nakatayo sa nasabing lugar.

Gayunman ay puspusan pa rin ang pagpatay sa apoy ng mga bombero sa kabila ng malakas na hangin.

Speak Your Mind

*