Mahigit limandaang Indigent Senior Citizen ng Calasiao, tatanggap ng Social Pension

Nakatakdang tumanggap ng Social Pension ang mahigit limandaang mga Indigent Senior Citizen ng bayan ng Calasiao, Pangasinan.

Ang mga benepisyaryo ay kuwalipikado sa isinagawang validation ng Office of Senior Citizen Association o OSCA ayon narin sa antas ng kanilang pamumuhay.

Base sa tala ng OSCA, bago ang isinagawang validation mayroon lamang 250 social pensioner ang bayan ngunit ngayon ay aabot na ito sa limandaan limangpu mula sa itinuturing na pinaka mahirap na pamilya ng bayan ng Calasiao.

Samantala, tatanggap naman ng tatlong libong piso ang mga benepisyaryo ng Social Pension, ito ang dapat nilang makuha mula buwan ng Enero hanggang buwan ng Hunyo, at nakatakda itong ipagkaloob sa buwan ng Hulyo.

Speak Your Mind

*