Mahigit sa 400 Kolorum na sasakyan, naka-impound sa MMDA.

Mahigit sa 400 Kolorum na Pampasaherong sasakyan ang kasalukuyang nasa impounding area ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, sa nasabing bilang ay makikita kung gaano katalamak ang pamamayagpag ng kolorum na sasakyan sa Metro Manila.

Dahil dito, naniniwala si Tolentino na mababawasan ang mga kolorum na sasakyan sa pagpapatupad ng mas mataas na multa sa mga ito.

Una nang itinaas sa isang milyong piso ng Department of Transportation and Communications (DOTC) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang multa sa mga mahuhuling kolorum mula sa kasalukuyang 6,000-piso.

Sinabi pa ni Tolentino na kailangang magkaroon ng mahusay na Implementing Rules upang maiwasang pagmulan ng katiwalian ang mataas na multa sa mahuhuling kolorum.

Speak Your Mind

*