Maja Salvador at Gerald Anderson, hindi pa umano sumasagi sa isip ang pagpapakasal

Kaliwa’t kanan man ang showbiz couple na pagpapakasal ang pinag-uusapan, hindi pa sumasagi sa isipan nina Maja Salvador at Gerald Anderson ang seryosong bagay na ito.

Katwiran ni Maja, marami pa silang gustong gawin ni Gerald sa kani-kanilang showbiz career.

Hangga’t maaari din daw ay ayaw ni Maja na makasama ang Boyfriend sa kahit na anong proyekto, sa TV man o sa pelikula.

Katwiran niya, makakapagtrabaho sila nang mas maayos at walang magiging problema kung magkakahiwalay ang proyekto nila.

Iyon daw ang isa sa mga sekreto kung bakit masaya ang relasyon nila ni Gerald, na kahit pareho silang abala sa kani-kaniyang projects ay nakagagawa sila ng paraan para sa kanilang relasyon.

Speak Your Mind

*