Major River System ng Pangasinan, minomonitor na ng PDRRMC kasunod ng pagpasok ang tag-ulan

Maagang minomonitor ngayon ng Provincial Disaster and Risk Reduction Management Council o PDRRMC ang tatlong Major River System ng Pangasinan.

Ito’y ayon kay PDRRMC Spokesperson Avenix Arenas, dahil opisyal nang pumasok ang tag-ulan kung saan ang lalawigan ay isa sa Flood Prone Area sa Rehiyon.

Idinagdag pa ni Arenas na tuloy-tuloy narin ang kanilang koordinasyon sa Agno Flood Control na siyang may hawak sa Structural Mitigation tulad ng sa mga dike, at ang kanilang close monitoring sa mga ilog na sakop ng San Nicolas, San Fabian, Lingayen at Sta. Barbara.

Higit sa lahat nakapagsagawa na aniya ang PDRRMC na Information and Education Campaign on Flooding katuwang ang PAG-ASA, DOST, NTC, SRMPC at mga LGU’s sa Pangasinan upang mapaghandaan ang posibleng banta ng kalamidad.

Speak Your Mind

*