Makupad na kilos ng gobyerno sa paglikas ng mga OFW sa Libya, binatikos

Binatikos ng Migrante International ang aniya’y matipid na pagkilos ng pamahalaan para sa mga Overseas Filipino Workers na naiipit ngayon sa kaguluhan sa Libya.

Ito ay sa kabila ng umiiral nang repatriation para sa mga pilipino sa nasabing bansa.

Ayon kay Nick Catwiran ng Migrante International, dapat na makapag-latag ang pamahalaan ng kongkretong plano para maisagawa ang maayos at ligtas na paglilikas sa mga pilipino sa Libya.

Dagdag pa ni Catwiran, sa kasalukuyan ay wala pang natatanggap na karagdagang impormasyon ang mga Pilipino sa Libya kaugnay ng gagawing repatriation maliban sa panawagan ng boluntaryong paglikas.

Speak Your Mind

*