Malinaw na estratehiya, dapat gawin sa pagpapauwi ng mga OFW sa Libya

Nanawagan ng isang malinaw na estratehiya sa gagawing repatriation o pagpapauwi sa mga overseas filipino workers sa bansang Libya ang Migrante International!

Ito ang hinihiling ng grupo sa pamahalaan sa gitna pa rin ng nakababahalang kalagayan ng mga pilipinong naiipit sa tumitinding kaguluhan sa Libya.

Ayon kay Nick Catwiran, tagapagsalita ng Migrante, dapat na magkaroon ng malinaw at mahusay na paraan ang gobyerno para sa paglilikas ng mga OFW doon.

Dagdag pa ni Catwiran, dapat ding makatanggap ng assistance ang magsisipag-uwiang Pilipino pagdating dito sa bansa partikular na ang mga Filipino Migrants mula sa Libya.

Speak Your Mind

*