Mananamantalang trycicle driver sa mga pasaherong estudyante, binalaan ng POSO Urdaneta

Binalaan ang mga trycicle driver at operator sa lungsod ng Urdaneta na mahaharap sa kaukulang parusa oras na maningil ng mas mataas sa dapat na pamasahe ng mga estudyante.

Ito ang inihayag ni Public Order and Safety Office o POSO Chief Jhonny Sumait ng Urdaneta City kaugnay sa pagbabalik eskuwela ng mga estudyante.

Ayon kay Sumait, agad kukumpiskahin ang mga prangkisa ng mga trycicle na lalabag sa ipinapatupad na batas trapiko sa lungsod.

Kasabay nito, tiniyak naman ni Sumait na mabibigay sulosyun ang problema sa daloy ng trapiko dala ng pagdagsa ng mga trycicle na naghahatid ng mga estudyante sa mga pangunahing paaralan sa sa lungsod ng Urdaneta.

Speak Your Mind

*