Mangaldan National High School, magpapatupad ng mahigpit na school policy

Magpapatupad ng mahigpit na polisiya ang Mangaldan National High School ngayon nagbabalik eskuwela na ang mga mag-aaral para sa taong 2014-2015.

Layunin umano nito na maiwasan ang mga naitalang insidente noong nakaraang taon na maraming mga outsider ang nakakapasok sa eskuwelahan.

Ayon kay Principal Rosalino Agpalo Jr, pangunahing polisiya na kanilang ipapatupad ay ang pagsusuot ng complete uniforme ng mga estudyante, pagsusuot ng school id, at pag-attend sa flag ceremony.

Hihigpitan narin ani Agpalo ang pagbabantay sa mga school gates kung saan main gate lamang ang maaring gamitin at bukas lang ito mula alas otso ng umaga at alas singko ng hapon.

Hindi narin umano papayagan ng mga estudyante na lumabas ng paaralan sa kanilang lunch break kayat obligado na silang magbaon, ngunit kung hindi man magawa ay kailangan itong humingi ng gate pass sa kanilang adviser.

Speak Your Mind

*