Marian Rivera, ramdam na hindi tinipid ang kanyang Dance Show, galing sa pagsayaw handang ipakita

Ramdam na ramdam umano ni Marian Rivera na hindi siya tinitipid ng Kapuso Network sa kanyang Dance Show.

Mga Best People daw ang binigay sa kanya para mabuo ang isang masaya at kaabang-abang na Dance Show kabilang na si Paolo Ballesteros bilang Co-Host niya at si Julie Anne San Jose na may Special Segment sa kanyang show.

Mula umano sa set, sa music na mayroong bonggang Dj, sa costumes, stylist, choreographer na si tita geleen eugenio at ang Director na si Direk Louie Ignacio.

Isang rason daw kung bakit binuo ang Dance Show na Marian ay ang bigyang tribute ang mga nakilalang mahuhusay sumayaw na mga aktres tulad na lang nina Vilma Santos at Maricel Soriano.

May mga nag-suggest nga na kunin din nilang guest sina Carmi Martin, Charlene Gonzalez, Amanda Page at Ina Raymundo na mga mahuhusay sumayaw din.

Speak Your Mind

*