Marvin Sonsona, Hawak na ang NABF Featherweight Title matapos talunin si Wilfredo Vasquez

Tinupad ni Marvin “Marvelous” Sonsona ang pangakong ipaghihiganti ang pagkatalo sa kanyang Boxing career nang hiritan ng Split decision si Wilfredo Vasquez Jr. sa kanilang rematch kahapon sa Madison Square Garden sa New York.

Sa first round ay pinatumba ni Sonsona si Vasquez pero hindi niya nagawang kumpletuhin ang hanap na KO panalo dahil determinado rin ang Puerto Rican Boxer.

Pero dahil sa ipinakitang galing sa ring ni Sonsona nasungkit din ng dating WBO Super Flyweight Champion ang bakanteng NABF Featherweight Title.

Si Sonsona rin ang ikalawang Filipino Boxer na nag­pa­tikim ng kabiguan kay Vasquez matapos ang Split de­cision panalo ni Nonito Donaire jr. noong 2012.

Speak Your Mind

*