Mas marami pa raw dapat tinututukan, kaysa sa rice self sufficiency

Mas marami pang dapat na tutukan ang pamahalaan kaysa target nitong Rice Self Sufficiency!

Ito, ang ipinaliwanag ni National Food Authority Spokesperson Rex Estoperez sa gitna ng ginagawang pag-asikaso ng gobyerno sa iba pang mahahalagang aspeto ng sektor ng agrikultura.

Ayon kay Estoperez, mas tinutukan ng Department of Agriculture ang problema sa  irigasyon at  farm-to-market roads kaya’t nabago ang direksyon ng rice self-sufficiency target ng ahensya.

Kasunod nito’y iginiit niyang dapat noon pa’y tinutukan ang mga problema sa sektor ng agrikultura para mas napadali sana ang pagkakamit ng kasalukuyang administrasyon sa target na kasapatan ng bigas sa buong bansa!

Matatandaang hindi nabigo na namang tuparin ng D-A ang pangako noon ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na sa huling bahagi ng 2013 ay magiging rice self sufficient na ang Pilipinas.

Speak Your Mind

*