Mataas na presyo ng Bawang, mas dapat para sa mga Local Farmers

Mas mabuti umanong mas mataas ang presyo ng bawang na ibinibenta ng mga Local Farmers kasya ang bawang mula sa mga inangkat sa ibang Bansa.

Ito ang inihayag ni Nicky Peralta ng Media Production Specialist ng Department of Agruculture (DA) Region 1.

Sinabi ni Peralta na kung mangyayari ito ay makakatulong pa sa mga magsasaka dahil sa totoo lang naman batay sa kanilang monitoring sa mga liblib na lugar ng mga magsasaka ay hindi naman kamahalan ang presyo ng bawang.

Naniniwala si Peralta na dapat mas tatangkilikin ng mga mamimili ang mga locally grown na bawang na hindi hamak na mas masarap ito sa mga Imported na bawang, bukod pa sa makakatulong pa pagpapalago ng bawang industry sa nasabing Rehiyon.

Speak Your Mind

*