Maja Salvador, aarangkada narin sa kanyang “The Legal Performer”

After The Legal Wife, legal performer naman ngayon si Maja Salvador dahil mayroon siyang solo concert sa darating na July 12, 2014 sa Music Museum titled Maj: The Legal Performer.

Sinisigurado ni Maja na paninindigan niya ang title ng concert na “legal performer” dahil sa mga performances niyang ala-Britney Spears, Cristina Aguillera, Beyonce, Madonna, J-Lo, at iba pang magagaling na international singer/performers.

Batid naman ng lahat na mahusay naman talagang dancer si Maja at sa pag-awit ay may boses din naman siya kaya nga binigyan siya ng album ng Ivory Records, ang Believe na nag-gold record pa.

Ang Maj: The Legal Performer ay ididirihe ni Mr. M with Marvin Querido bilang musical director habang Guests naman ni Maj sina Rayver Cruz, Enchong Dee, Enrique Gil, at Piolo Pascual.

Speak Your Mind

*