MDRRMC at Evacuation Center sa bayan ng Mangaldan, pormal ng binuksan

Pormal ng pinasinayaan kahapon ang bagong tanggapan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council o MDRRMC at Evacuation Center sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.

Una ng sinimulan ang renovation ng naturang gusali noong pang nakaraang taon sa ilalim ng pamumuno ng Mayor Bonafe Devera Parayno

Ayon kay MDRRMC Officer Rodulfo Corla,      anumang oras ay handa na sa pagresponde ang MDRRMC dahil halos kumpleto na sa mga kagamitan na maaaring magamit sa rescue operation.

Kasabay nito, pinayuhan naman ni Corla ang mga residenteng nakatira malapit sa alalakan river na maging mapagbantay at oras na dumating ang malakas na daloy ng tubog baha ay agad nang lumikas. (Genevive Ocampo)

Speak Your Mind

*